Wednesday, October 1, 2014

K + 12

Yssa Cassandra Banas
K+12

Matagal nang problema ng mga Pilipino ang edukasyon. Madalas ay sa kolehiyo dahil mahal ang marami ang hindi makapagpatuloy sa pag aaral, kapag nakatapos namanat gustong mangibang bansa ay hindi magkapareho ang lebel ng edukasyon sa atin at sa kanila kaya ay nag aaral ulit ang ating mga OFW dahil wala silang magawa. Dito sa Asya, Pilipinas na lang ang naiiwang bansa na kulang ang taon na inilaan para sa edukasyo, kaya mababa ang quality ng edikasyon natin. Kaya naman ang naisip na solusyong ng DepEd dito ay K+12, ito ay karagdagang dalawang taon sa sekondarya para pag aralan ang skills na dapat meron ang isang tao upang maging mcompetitive nang sa ganon ay makapag trabaho pagkatapos mag tapos ng sekondarya. Pagdating sa Kolehiyo naman ay optional na alng kung ipagpatuloy ang pag aaral o hindi, ito ay kung may pera ang isang studyante.

Sa ganitong paraan ng edukasyon, mas madalas makapaghanap ng trabahoang mga Pilipino. Dahil hindi naman lahat ng studyante ay makapag kolehiyop. Mas madali ito sapagkat sinisigurado ng isang institusyon na ang kanilang mga graduates ay makapagtapos ng may alam, at tatanggapin sa trabaho kahit walang College Degree.

Thursday, September 11, 2014

Tula ng Pag-ibig

Sa laki ng mundong hindi mahulugan ng karayom,
Batid kong lahat ay may nilalayon,
Paghahanap ng isang bukod-tangi,
Na siyang bukambibig ng nakakarami.

Ang pag-ibig nga naman,
Di malirip at di madalumat,
Basta-basta na lamang dumadaan,
Maging sa mga magkabungguang balikat man. 

Sa pag-ibig, hindi pwede ang hinog sa pilit,
Sapagkat ito'y dapat bukal sa loob at hindi namimilit,
Huwag subuking ito'y ipilit,
Sapagkat sa huli, ikaw din ang mamimilipit.

Maghanap ka man ng karayom sa dayami,
Upang kaloob-looban ng sinisinta ay mahuli,
Ngunit pag siya ay hindi kumbinsido sa pagpupunyagi,
Ikaw ay uuwing talunan at sawi. 

Ngunit huwag kalimutang mundo'y talusira,
Pag-ibig ay sadyang makapangyarihan,
Gamitin sa kabutiha't huwag sa kasamaan,
Sa gayon ay di maghalo ang balat sa tinalupan.

Ni: Durrell Lee D. Aben

Isa sa mga Hinahangaan Ko

Ako'y hindi isang katoliko ngunit hindi ito hadlang upang hindi ko mabigyang puri si St. John Marie Vianney. Ni minsan ay hindi pa nakapag-aral sa isang pampribadong katolikong eskwelahan bukod nang ako'y nag kolehiyo na. Hindi ko gaanong naiintindihan ang mga terminolohiyang aking nabasa tungkol sa nasabing santo, ngunit bilang isang kristyano, may mga bagay-bagay sa buhay niya na naaabot ngv aking pagg-unawa. bukod kay Mother Theresa, isa siya sa mga huwarang katolikong aking hinahangaan. isa siyang mabuti, may takot sa diyos at taong may paninindigan.

Napagtanto kong angh pagiging mabuti ng isang tao ay nagsisimula sa kung paano siya hinubog sa pagbuo ng pondasyon ng isang pamilya. Alam naman nating ang kanyang pamilya ay isang deboong katoliko at mga matutulungin sa kapwa lalung-lalo na sa mga kapus-palad. dito pa lang, mababatid na nating sa bawat pagtulong nila ay ay may biyaya na silang makukuha na manggagaling sa itaas. Ipinakita niya ang kaniyang dedikasyon na pagiging isang pari. walang takot niyang sinuong ang mga pagsubok na magsagawa ng misa sa mga taong hindi naaabot ng simbahang katoliko. Mtapang niyang Hinarap ang rebolusyon at pilit na ipinagpatuloy ang kanyang mga misyon. naging daan ito upang kumunsulta sa kanya at humingi ng payo ang libu-libong katao. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagiging isang matanyag at kilala sa simbahang katoliko.

Kahanga-hangang balik-tanawin ang mga kontribusyon niya sa hindi lamang sa simbahang katoliko, maging sa lipunang kanyang naaabot. Ang mga iniwan niyang ala-ala ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan ng mga katoliko. ang kanyang dedikasyon, katapangan, pagkamatapat sa Diyos, pagmamahal sa pamilya at sa kapwa ang mga pangunahing karakter na nagpaangat sa kanya at naging pagkakakilanlan na rin niya.

Ni: Durrell Lee D. Aben

BUWAN NG WIKA: Isang Pagbabalik-tanaw

Kabila't kanang paghahanda na naman ang aking natutunghayan. Mga nag gagandahang kimona at barong tagalog na siyang sagisag ng pambansang kasuotan ay siyang nagsilabasan. Purong makulay ang kapaligiran, maging ang mga tao'y galak na galak sa kanilang mga kasuotan. Ibibida na naman ang mga samut-saring mga gawang pinoy katulad ng  tula, maikling kwento, pagtatanghal sa entablado at iba pa na nagpasalin-salin mula sa ating mga ninuno.

tuwing sasapit ang buwan ng wika, nababatid ko na muling nasasariwa ang kasarinlan ng ating wika. Mas naipapakita din kasi dito ang importansya o kahalagahang naidudulot nito. Noong ako'y nasa high school pa lamang, natatandaan kong masaya naming ginugunita ang buwan ng wika. nagsisilabsan at nasusubukan kasi ang aming mga talento sa iba't ibang larangan ng paligsahan kagaya ng pagtatalumpati, pagsasayaw, pag-arte maging sa pagsulat nglikhang purong Filipino. Masayang-masaya kami habang sumasali sa mga pambihirang patimpalak sapagkat dahil dito, may kapupulutan kaming bagong aral at bagong karanasan.

Sa kabilang dako naman, hindi lamang namin pinagtutuunan ng pansin ang mga paligsahan. may mga programa din kaming sinasalihan upang mas paglinangin at madagdagan pa ng ibayong kaalaman ang aming mga murang isipan. Kagaya ng tradisyonal na seminar, may "ispiker at tagapakinig" na setting. kasunod nito ang mga porum na nagaganap upang may interaksyon din naman kahit papaano ang mga madla. Dinadalaw din kami ng aming mga Regional at Division Superintendents upang kami'y kumustahin at sukatin ang aming taglay na kaalamn tungkol sa wikang Filipno. nagaganap naman din ito bago kami magsimula sa selebrasyon sa buwan ng wika.

Tuwing buwan ng wika, kataka-takang walang laman anhg mga silid-aralan. normal na ito saamin sapagkat ang lahat ay abalang-abala sa iba't ibang larangang kanilang sinasalihan. may makikita ka sa covered court, open stage, at sa aming napakalaking oval ground hindi naman makakatakas ang mga guro sa pagsusuot ng pambansang kasuotan kasi, maging sila man ay kasali din sa programa at mga paligsahan.

Tunay nga na kaygandang balikan at gunitain ang mga pangyayari kapag sumasapit na ang buwan ng wika. marami kasing masassaya at di malilimutang mga pangyayari. hindi lamang dahil sa karanasanat ala-alang pwedeng balik-tanawin kundi dahil din sa mga aral na mapupulot sa bawat pangyayari.

Ni: Durrell Lee D. Aben


Wikang Pambansa: Tungo sa Bansang Nagkakaisa

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay binubuo ng pitong libo't isandaa't pitong kapuluan. Tayo man ay pinaghihiwalay ng mga katubigan, tayo man ay may iba't ibang kultura, tayo man ay may iba't ibang linggwahe, tayo naman ay pinagbubuklod ng sagisag ng Pilipinas at ng ating pambansang wika. Ang wikang Filipino ay susi tungo sa pagkakaisa at pagkakaintindihan. ginagamit natin ito sa ating pangaraw-araw na pakikipagtalastasan, pamumuhay at samut-saring mga gawain.

Ito ay nakakatulong upang mapaayos ang takbo ng lipunan at ang pagkakaunawaan sa mga mamamayan. Ito ay susi ng pagkakaisa. Ito ang daan sa mas mapayapa at mas maunlad na pamumuhay ng mga Pilipino. Binibigyang daan nito ang pagkakaintindihan na umusbong sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at kultura natin. Tunay nga na kayganda ng wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay esensyal sa ating lahat. katulad nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal, angating pambansang bayani, kapantay ng wikang Filipino ang mga wikang dayuhan. kung tayo ay nawiwili at binibigyang importansya ang wika nila, ganoon din daw dapat tayo sa ating sariling wika. Wikang Filipino: Wika ng pagkakaisa, wika ng sambayanang Pilipino kaya't bigyang importansya at bigyang halaga ang isa sa mga kumukumpleto ng pagkakakilanlan ng isang tunay na Pilipino.

By: Durrell Lee D. Aben

Tuwing Buwan ng Wika

         Tuwing Buwan ng Wika sa aming paaralan, sa Holy Child College of Davao, laging may paligsahan ng sabayang pagbigkas at dula. ang mga ginagamit naming tema ay gawang Pilipino. Napakahigpit ng kompetisyon tuwingpaligsahan. Kahit ang mga mas mababang baitang ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang manalo. Pero kahit ganon, nananalo talaga ang 4th year  dahil lubhang magagaling talaga sila. Kahit natatalo ang iba, masaya parin ang lahat. Pagkatapos ng mga paligsahan ay walang away at mapayapa ang buong eskwelahan.

Ni: MENDRICO, Randrew Christian P.

Wednesday, September 10, 2014

Si St. John Vianney

          Si St. John Vianney ay isang parish priest na itinanghal na santo ng lahat ng mga pari. Ang buhay niya ay napakahirap. Napakarami niyng pinagdaanan na pagsubok na sinubok ang kanyang pananalig sa Diyos. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi siya bumitaw at nagpatuloy siya sa pagsilbi sa Diyos. Ito ang natutunan ko kay St. John Vianney: ang pagkakaroon ng napakalaking pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.

          Kung ako ang nasa sitwasyon na pinagdaanan ni St. John Vianney, marahil ay sumuko na ako. Hindi ko kayang masali sa napakarming digmaan. nguni siya, hind talaga siya bumitaw sa kamay ng Diyos. Dahil sa pagmamahal niya sa Diyos ay di niya kayang ipagpalit ito. Sa buhay ni St. John Vianney rin natin makikita ang pangako ng Diyos na kung mananalig lang tayo sa kanya ng buong-buo ay hinding-hindi niya tayo iiwan. Pinrotektahan talaga ng Panginoon si St. John Vianney dahil sa pananalig at pagmamahal nito sa Kanya kahit na napakarami niyang pinagdaanang rebolusyon at digmaan.

          Bilang kongklusyon, naalala ko na dapat nating pagkatiwalaan ng buong-buo ang Diyos dahil may perpektong plano Siya sa ating buhay at di Niya tayo iwan. ang kailangan lang nating gawin ay gumawa ng paraan para magawa ng Panginoon ang Kanyang plano para sa atin. Gumawa tayo ng mabubuting paraan dahil di gagalaw ang Panginoon gamit ang mga masasamang bagay. dapat di natin siya bitawan. Hindi Siya bibitaw kung di tayo bibitaw.

Ni: MENDRICO, Randrew Christian P.