Noong 2004, isang programang tinawag na Bridge Progrm ang sinubukang ipatupad ng administrasyong Arroyo. Sinasabing magiging sagot ito sa kahirapan ng bansa. Hindi ito natuloy sapagkat marami ang kumontra laban dito. Ngayon, isa nanamang programa ang ipinasa ng administrasyong Aquino. Katulad ng Bridge Program, layunin nitong tapusin ang kahirapan sa Pilipinas. Tinawag itong K12 Program. Ang tanong: sagot nga ba ito sa problema ng Pilipinas?
Ang K12 Program ay ang pagdagdag ng dalawang taon sa lumang sampung taon laman na pag-aaral bago mag kolehiyo. Ngunit tulad ng Bridge Project, marami ang nagreklamo laban dito. Ito ay di tanggap ng masa, lalo na ng mahihirap na pamilya.
Isa sa mga rason kung bakit ayaw ng nakararami ang K12 Program ay dahil sa dagdag problema lamang ito sa mga pamilyang nahihirap na. And mga magulang ng mga batang mag-aaral at kahit ang mga estudyante mismo ay naghihikahos nang bigyan ng maganda at kumpletong edukasyon ang mga anak at sarili nila sa sampung taon pa lamang. Kung magdarag pa ng ilang taon, lalo lamang silang mahihirapan. Wala nang tuition fee na binabayaran sa mga pampublikong paaralan, ngunit marami pang ibang bayarin. Noong 2009, Php 2, 502 lamang ang nakalaan sa isang estudyante sa isang taon. Lumalabas na Php 6.85 lamang sa isang araw. Maraming mahihirap na magulang ang di kayang gumastos ng higit Php 30, 000 na kailangan para sa pagkain, pamasahe, at iba pang bayarin sa eskwelahan. Ito ay mapaptunayan ng mga mag-aaral na biglang humihinto sa pag-aaral. Sa katunayan, apat sa sampung estudyante ang nakakatapos ng mataas na paaralan sa mga pampublikong paaralan.
Ang mga datos ay nagpapatunay na hindi sagot sa kahirapan ang programang ito. Magdaragdag lamang ito ng kahirapan bunga ng pagbawas ng mga estudyanteng makakapag-aral. Mabuti pang hindi lang ito ituloy, katulad ng di pagtuloy sa Bridge Program.
Ni: SANCHEZ, Isabel Victoria B.
No comments:
Post a Comment