Isa sa mga importanteng bagay sa akin ngayon blang tao at studyante ay ang aking grado sa kolehiyo. Sa katunayan, bata pa lamang ako, binibigyan ko na ng importansya ang aking pag-aaral. Pinipilit ko ang sarili kong maging katulad ng mga matatalino sa klase. Nag-aaral ako nang mabuti upang ma-perfect ko ang lahat ng ibato sa akin ng mga guro ko. Sa huli, napagod lamang ako at ngayon, kahit importante and pag-aaral, minsan tinatamad na ako. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko.
Matapos kong basahin ang buhay ni St. John Vianney, napaisip ako. Katulad ni St John Vianney, ako ay nahihirapan sa aking mga klase. Mahalaga sa kanya ang kanyang pag-aaral dahil gusto niyang maging isang apri. Kahit na siya ay nahirapan, ginawa niya pa rin ang lahat upang matupad ang kanyang pangarap. Sa kanya ko natutunan na kahit pa nahihirapan na ako, kailangan ko pa ring magtrabaho upang makamit ang aking pangarap. Hindi ko kailangan maging pinakamatalino sa isang klase na umaabot na sa puntong napapagod lamang ako. Ang kailangan ko ay pagganyak. Nalaman ko rin na hindi ko kailangan gayahin ang iba o subukang maging pinakamatalino dahil sa huli, ang dedikasyon mo ang importante. Tulad ni St. John Vianney na dedikadong nakikinig sa mga kumpesyon sa loob ng labingwalong oras, gusto ko rin magkaroon ng ganoong dedikasyon sa magiging trabaho ko. Naging patron siya ng mga parish priest dahil dito. Gusto ko ring maalala ako ng mundo dahil sa ginawa ko, di sa grado ko.
Sa huli, naisip kong dapat hindi ko masyadong pine-pressure ang sarili kong maging perperkto. Tayong lahat ay nagkakamali. Normal ito. Ang mahalada ay ginagawa o gagawin ko kung ano lang ang kaya ko upang maabot ang aking mga pangarap, at kung maabot ko man ito, dapat kong buhusan ng dedikasyon ang bawat oras na binibigay ko rito.
No comments:
Post a Comment