Bilang
isang estudiyante at Pilipino na nabubuhay sa makabagong henerasyon ngayon
napaka hirap na para sa akin na gamitin ang sa pang araw-araw na leguahe ang
wikang pambansa ng bawat Pilipino. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat
ng tao na parang mas pinapa halagahan na ngayon ang lenguahe ng mga dayuhan sapagkat
mas nagagamit ito sa pag unlad ng isang bansa.
Tuwing
paparating na ang buwan ng Agusto nananabik ako sa Buwan ng Wika. Parang mas nadadarama
ko ang aking pagka Pilipino kapag suot ko ang kasuotan ng mga dalagang pilipina
noon. Masaya din akong nakikita ang mga kapwa ko kabataan na nagsasalita ng
wikang pang bansa kahit nahihirapan sila habang naka suot pa ng barong tagalog
sa mga lalake at Filipiniana naman para sa mga babae. Nakikita ko na hindi pala
talagang lubos na nakalimotan ng mga kabataan na kagaya ko ang sariling wika
dahil ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para makapag salita ng
pambansang wika na naka suot man ng lumang kasuotan o wala.
Ni: Sabud, Maria Rhodora C.
No comments:
Post a Comment