Nagugupluhan
ako kong bakit maraming tao ang naka siamngot ng malaman nila na maimplementa
na ang K to 12 curriculum. Ako, bilang mag-aaral ay nadismaya dahil hindi
ako naka abot sa K to 12. Alam ko kasing
makakatulong ang K to 12 curriculum upang maging mas handa ako sa trabaho at
sapag harap ng mundo.
Hindi
naman lingid sa aking kaalaman na hanggang ngayon marami paring mga problema
ang hindi nasusulba ng gubyerno gaya na lamang ng walang sapat na silid aralan
sa mga paaralan lalong-lalo na sa pampublikong paaralan at ang memorandum ng
CHED sa pagtanggal ng pagturo sa Filipino subject galing sa General Education
Curriculum (GEC). Ang kakulangan ng mga silid ay nag udyok ng maraming tao kung
bakit ayaw nilang maiplementa ang K to 12, nag-aalala kasi sila dahil maaaring
maaapektohan ang pag-aaral ng mga estudiyante dahil sa wal ng maayos na silid.
Marami namang guro sa Filipino ang nasaktan ng malaman nilang tatanggalin na
ang Filipino subject sa koleheyo sapagkat bunga nito ang kawalan ng kanilang hanap-buahy.
Ayon sa CHED memorandum (CMO) No. 20 series of 2013, ang Filipino subject ay
hindi na kasali ngayong dadating na 2016 sa koleheyo, malilimitahan nalang ang
subject sa mga Filipino majors. Ang dahilan ng CHED kong bakit itinanggal nila
ang Filipino sa lebel ng koleheyo sapag sabing ang subject ng Filipino ay
mapupunta na sa Grade 11 at 12 sa ilalim ng K to 12 curriculum. Maraming
organisasyong nagsasabi na ang CHED memorandum ay nag violate sa Article XIV,
section 6 sa 1987 constitution, na ang sabi “ The government shall take steps
to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official
communication and as a language of instruction in the educastional system.”
Bilang
isang mag-aaral, naniniwala akong makakatulong ang K to 12 curriculum sapag
handa ng mga mag-aaral sa pagharap nila sa mundo matapos ang pag-aaral sa
koleheyo.Ang gustong mangyari ng K to 12 Curriculum ay magkaroon ang bawat
mag-aaral na mas malawak ang kaalaman at abilidad. Una sa impormasyong medya,
at estilo patungkol sateknolohiya, ayon kasi sa MCU the K to 12 dahil dito ang
mga estudiyante ay matutunan ang, Multi cultural literacies; Global awareness,
Visual and information literacies, Media literacies, basic scientific, at
economic literacies. Pangalawa, mabisang estilo sa komunikasyon, matuturuan
kasi ang mag-aaral sa 1.) teaming, collaboration at interpersonal skills; 2.)
personal, social, and civic responsibility; 3.) Interactive communities; 4.)
local, national and global orientedness. (MCU the K to 12). Pangatlo, estilo
sapag buhay, nakakatulong kasi to sa mga mag-aaral na maging magkaroon ng
flexibility and adaptibility, initiate and self direction, leadershiship and
resposibility, productivity and accountability, social and cross cultural
skills, and ethicalmoral spiritual values. (MCU the K to 12). Panghuli, estilo
sapag-aral at innobasyon, 1.) creativity and curiosity; 2.) critical thinking,
problem solving skills and 3.) risk
taking. (MCU the K to 12).
Sana
naman hindi maging hadlang ang mga problema tungkol sa ibat ibang isyu ng K to
12 dahil, makakatulong ang bagong curriculum sa pag unlad ng Pilipinas. Hindi
dapat matakot ang mga Pilipino sa mga pagbabago ng curriculum dahil, ito ang
susi ng pintuan para mabuksan ito at makamit ang pangarap ng bawat Pilipinong
mag-aaral.
NI: Sabud, Maria Rhodora C.
NI: Sabud, Maria Rhodora C.
No comments:
Post a Comment