Thursday, September 11, 2014

Tula ng Pag-ibig

Sa laki ng mundong hindi mahulugan ng karayom,
Batid kong lahat ay may nilalayon,
Paghahanap ng isang bukod-tangi,
Na siyang bukambibig ng nakakarami.

Ang pag-ibig nga naman,
Di malirip at di madalumat,
Basta-basta na lamang dumadaan,
Maging sa mga magkabungguang balikat man. 

Sa pag-ibig, hindi pwede ang hinog sa pilit,
Sapagkat ito'y dapat bukal sa loob at hindi namimilit,
Huwag subuking ito'y ipilit,
Sapagkat sa huli, ikaw din ang mamimilipit.

Maghanap ka man ng karayom sa dayami,
Upang kaloob-looban ng sinisinta ay mahuli,
Ngunit pag siya ay hindi kumbinsido sa pagpupunyagi,
Ikaw ay uuwing talunan at sawi. 

Ngunit huwag kalimutang mundo'y talusira,
Pag-ibig ay sadyang makapangyarihan,
Gamitin sa kabutiha't huwag sa kasamaan,
Sa gayon ay di maghalo ang balat sa tinalupan.

Ni: Durrell Lee D. Aben

No comments:

Post a Comment