Ako'y hindi isang katoliko ngunit hindi ito hadlang upang hindi ko mabigyang puri si St. John Marie Vianney. Ni minsan ay hindi pa nakapag-aral sa isang pampribadong katolikong eskwelahan bukod nang ako'y nag kolehiyo na. Hindi ko gaanong naiintindihan ang mga terminolohiyang aking nabasa tungkol sa nasabing santo, ngunit bilang isang kristyano, may mga bagay-bagay sa buhay niya na naaabot ngv aking pagg-unawa. bukod kay Mother Theresa, isa siya sa mga huwarang katolikong aking hinahangaan. isa siyang mabuti, may takot sa diyos at taong may paninindigan.
Napagtanto kong angh pagiging mabuti ng isang tao ay nagsisimula sa kung paano siya hinubog sa pagbuo ng pondasyon ng isang pamilya. Alam naman nating ang kanyang pamilya ay isang deboong katoliko at mga matutulungin sa kapwa lalung-lalo na sa mga kapus-palad. dito pa lang, mababatid na nating sa bawat pagtulong nila ay ay may biyaya na silang makukuha na manggagaling sa itaas. Ipinakita niya ang kaniyang dedikasyon na pagiging isang pari. walang takot niyang sinuong ang mga pagsubok na magsagawa ng misa sa mga taong hindi naaabot ng simbahang katoliko. Mtapang niyang Hinarap ang rebolusyon at pilit na ipinagpatuloy ang kanyang mga misyon. naging daan ito upang kumunsulta sa kanya at humingi ng payo ang libu-libong katao. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagiging isang matanyag at kilala sa simbahang katoliko.
Kahanga-hangang balik-tanawin ang mga kontribusyon niya sa hindi lamang sa simbahang katoliko, maging sa lipunang kanyang naaabot. Ang mga iniwan niyang ala-ala ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan ng mga katoliko. ang kanyang dedikasyon, katapangan, pagkamatapat sa Diyos, pagmamahal sa pamilya at sa kapwa ang mga pangunahing karakter na nagpaangat sa kanya at naging pagkakakilanlan na rin niya.
Ni: Durrell Lee D. Aben
No comments:
Post a Comment