Thursday, September 11, 2014

BUWAN NG WIKA: Isang Pagbabalik-tanaw

Kabila't kanang paghahanda na naman ang aking natutunghayan. Mga nag gagandahang kimona at barong tagalog na siyang sagisag ng pambansang kasuotan ay siyang nagsilabasan. Purong makulay ang kapaligiran, maging ang mga tao'y galak na galak sa kanilang mga kasuotan. Ibibida na naman ang mga samut-saring mga gawang pinoy katulad ng  tula, maikling kwento, pagtatanghal sa entablado at iba pa na nagpasalin-salin mula sa ating mga ninuno.

tuwing sasapit ang buwan ng wika, nababatid ko na muling nasasariwa ang kasarinlan ng ating wika. Mas naipapakita din kasi dito ang importansya o kahalagahang naidudulot nito. Noong ako'y nasa high school pa lamang, natatandaan kong masaya naming ginugunita ang buwan ng wika. nagsisilabsan at nasusubukan kasi ang aming mga talento sa iba't ibang larangan ng paligsahan kagaya ng pagtatalumpati, pagsasayaw, pag-arte maging sa pagsulat nglikhang purong Filipino. Masayang-masaya kami habang sumasali sa mga pambihirang patimpalak sapagkat dahil dito, may kapupulutan kaming bagong aral at bagong karanasan.

Sa kabilang dako naman, hindi lamang namin pinagtutuunan ng pansin ang mga paligsahan. may mga programa din kaming sinasalihan upang mas paglinangin at madagdagan pa ng ibayong kaalaman ang aming mga murang isipan. Kagaya ng tradisyonal na seminar, may "ispiker at tagapakinig" na setting. kasunod nito ang mga porum na nagaganap upang may interaksyon din naman kahit papaano ang mga madla. Dinadalaw din kami ng aming mga Regional at Division Superintendents upang kami'y kumustahin at sukatin ang aming taglay na kaalamn tungkol sa wikang Filipno. nagaganap naman din ito bago kami magsimula sa selebrasyon sa buwan ng wika.

Tuwing buwan ng wika, kataka-takang walang laman anhg mga silid-aralan. normal na ito saamin sapagkat ang lahat ay abalang-abala sa iba't ibang larangang kanilang sinasalihan. may makikita ka sa covered court, open stage, at sa aming napakalaking oval ground hindi naman makakatakas ang mga guro sa pagsusuot ng pambansang kasuotan kasi, maging sila man ay kasali din sa programa at mga paligsahan.

Tunay nga na kaygandang balikan at gunitain ang mga pangyayari kapag sumasapit na ang buwan ng wika. marami kasing masassaya at di malilimutang mga pangyayari. hindi lamang dahil sa karanasanat ala-alang pwedeng balik-tanawin kundi dahil din sa mga aral na mapupulot sa bawat pangyayari.

Ni: Durrell Lee D. Aben


No comments:

Post a Comment