Thursday, September 11, 2014

Tula ng Pag-ibig

Sa laki ng mundong hindi mahulugan ng karayom,
Batid kong lahat ay may nilalayon,
Paghahanap ng isang bukod-tangi,
Na siyang bukambibig ng nakakarami.

Ang pag-ibig nga naman,
Di malirip at di madalumat,
Basta-basta na lamang dumadaan,
Maging sa mga magkabungguang balikat man. 

Sa pag-ibig, hindi pwede ang hinog sa pilit,
Sapagkat ito'y dapat bukal sa loob at hindi namimilit,
Huwag subuking ito'y ipilit,
Sapagkat sa huli, ikaw din ang mamimilipit.

Maghanap ka man ng karayom sa dayami,
Upang kaloob-looban ng sinisinta ay mahuli,
Ngunit pag siya ay hindi kumbinsido sa pagpupunyagi,
Ikaw ay uuwing talunan at sawi. 

Ngunit huwag kalimutang mundo'y talusira,
Pag-ibig ay sadyang makapangyarihan,
Gamitin sa kabutiha't huwag sa kasamaan,
Sa gayon ay di maghalo ang balat sa tinalupan.

Ni: Durrell Lee D. Aben

Isa sa mga Hinahangaan Ko

Ako'y hindi isang katoliko ngunit hindi ito hadlang upang hindi ko mabigyang puri si St. John Marie Vianney. Ni minsan ay hindi pa nakapag-aral sa isang pampribadong katolikong eskwelahan bukod nang ako'y nag kolehiyo na. Hindi ko gaanong naiintindihan ang mga terminolohiyang aking nabasa tungkol sa nasabing santo, ngunit bilang isang kristyano, may mga bagay-bagay sa buhay niya na naaabot ngv aking pagg-unawa. bukod kay Mother Theresa, isa siya sa mga huwarang katolikong aking hinahangaan. isa siyang mabuti, may takot sa diyos at taong may paninindigan.

Napagtanto kong angh pagiging mabuti ng isang tao ay nagsisimula sa kung paano siya hinubog sa pagbuo ng pondasyon ng isang pamilya. Alam naman nating ang kanyang pamilya ay isang deboong katoliko at mga matutulungin sa kapwa lalung-lalo na sa mga kapus-palad. dito pa lang, mababatid na nating sa bawat pagtulong nila ay ay may biyaya na silang makukuha na manggagaling sa itaas. Ipinakita niya ang kaniyang dedikasyon na pagiging isang pari. walang takot niyang sinuong ang mga pagsubok na magsagawa ng misa sa mga taong hindi naaabot ng simbahang katoliko. Mtapang niyang Hinarap ang rebolusyon at pilit na ipinagpatuloy ang kanyang mga misyon. naging daan ito upang kumunsulta sa kanya at humingi ng payo ang libu-libong katao. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagiging isang matanyag at kilala sa simbahang katoliko.

Kahanga-hangang balik-tanawin ang mga kontribusyon niya sa hindi lamang sa simbahang katoliko, maging sa lipunang kanyang naaabot. Ang mga iniwan niyang ala-ala ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan ng mga katoliko. ang kanyang dedikasyon, katapangan, pagkamatapat sa Diyos, pagmamahal sa pamilya at sa kapwa ang mga pangunahing karakter na nagpaangat sa kanya at naging pagkakakilanlan na rin niya.

Ni: Durrell Lee D. Aben

BUWAN NG WIKA: Isang Pagbabalik-tanaw

Kabila't kanang paghahanda na naman ang aking natutunghayan. Mga nag gagandahang kimona at barong tagalog na siyang sagisag ng pambansang kasuotan ay siyang nagsilabasan. Purong makulay ang kapaligiran, maging ang mga tao'y galak na galak sa kanilang mga kasuotan. Ibibida na naman ang mga samut-saring mga gawang pinoy katulad ng  tula, maikling kwento, pagtatanghal sa entablado at iba pa na nagpasalin-salin mula sa ating mga ninuno.

tuwing sasapit ang buwan ng wika, nababatid ko na muling nasasariwa ang kasarinlan ng ating wika. Mas naipapakita din kasi dito ang importansya o kahalagahang naidudulot nito. Noong ako'y nasa high school pa lamang, natatandaan kong masaya naming ginugunita ang buwan ng wika. nagsisilabsan at nasusubukan kasi ang aming mga talento sa iba't ibang larangan ng paligsahan kagaya ng pagtatalumpati, pagsasayaw, pag-arte maging sa pagsulat nglikhang purong Filipino. Masayang-masaya kami habang sumasali sa mga pambihirang patimpalak sapagkat dahil dito, may kapupulutan kaming bagong aral at bagong karanasan.

Sa kabilang dako naman, hindi lamang namin pinagtutuunan ng pansin ang mga paligsahan. may mga programa din kaming sinasalihan upang mas paglinangin at madagdagan pa ng ibayong kaalaman ang aming mga murang isipan. Kagaya ng tradisyonal na seminar, may "ispiker at tagapakinig" na setting. kasunod nito ang mga porum na nagaganap upang may interaksyon din naman kahit papaano ang mga madla. Dinadalaw din kami ng aming mga Regional at Division Superintendents upang kami'y kumustahin at sukatin ang aming taglay na kaalamn tungkol sa wikang Filipno. nagaganap naman din ito bago kami magsimula sa selebrasyon sa buwan ng wika.

Tuwing buwan ng wika, kataka-takang walang laman anhg mga silid-aralan. normal na ito saamin sapagkat ang lahat ay abalang-abala sa iba't ibang larangang kanilang sinasalihan. may makikita ka sa covered court, open stage, at sa aming napakalaking oval ground hindi naman makakatakas ang mga guro sa pagsusuot ng pambansang kasuotan kasi, maging sila man ay kasali din sa programa at mga paligsahan.

Tunay nga na kaygandang balikan at gunitain ang mga pangyayari kapag sumasapit na ang buwan ng wika. marami kasing masassaya at di malilimutang mga pangyayari. hindi lamang dahil sa karanasanat ala-alang pwedeng balik-tanawin kundi dahil din sa mga aral na mapupulot sa bawat pangyayari.

Ni: Durrell Lee D. Aben


Wikang Pambansa: Tungo sa Bansang Nagkakaisa

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay binubuo ng pitong libo't isandaa't pitong kapuluan. Tayo man ay pinaghihiwalay ng mga katubigan, tayo man ay may iba't ibang kultura, tayo man ay may iba't ibang linggwahe, tayo naman ay pinagbubuklod ng sagisag ng Pilipinas at ng ating pambansang wika. Ang wikang Filipino ay susi tungo sa pagkakaisa at pagkakaintindihan. ginagamit natin ito sa ating pangaraw-araw na pakikipagtalastasan, pamumuhay at samut-saring mga gawain.

Ito ay nakakatulong upang mapaayos ang takbo ng lipunan at ang pagkakaunawaan sa mga mamamayan. Ito ay susi ng pagkakaisa. Ito ang daan sa mas mapayapa at mas maunlad na pamumuhay ng mga Pilipino. Binibigyang daan nito ang pagkakaintindihan na umusbong sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at kultura natin. Tunay nga na kayganda ng wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay esensyal sa ating lahat. katulad nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal, angating pambansang bayani, kapantay ng wikang Filipino ang mga wikang dayuhan. kung tayo ay nawiwili at binibigyang importansya ang wika nila, ganoon din daw dapat tayo sa ating sariling wika. Wikang Filipino: Wika ng pagkakaisa, wika ng sambayanang Pilipino kaya't bigyang importansya at bigyang halaga ang isa sa mga kumukumpleto ng pagkakakilanlan ng isang tunay na Pilipino.

By: Durrell Lee D. Aben

Tuwing Buwan ng Wika

         Tuwing Buwan ng Wika sa aming paaralan, sa Holy Child College of Davao, laging may paligsahan ng sabayang pagbigkas at dula. ang mga ginagamit naming tema ay gawang Pilipino. Napakahigpit ng kompetisyon tuwingpaligsahan. Kahit ang mga mas mababang baitang ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang manalo. Pero kahit ganon, nananalo talaga ang 4th year  dahil lubhang magagaling talaga sila. Kahit natatalo ang iba, masaya parin ang lahat. Pagkatapos ng mga paligsahan ay walang away at mapayapa ang buong eskwelahan.

Ni: MENDRICO, Randrew Christian P.

Wednesday, September 10, 2014

Si St. John Vianney

          Si St. John Vianney ay isang parish priest na itinanghal na santo ng lahat ng mga pari. Ang buhay niya ay napakahirap. Napakarami niyng pinagdaanan na pagsubok na sinubok ang kanyang pananalig sa Diyos. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi siya bumitaw at nagpatuloy siya sa pagsilbi sa Diyos. Ito ang natutunan ko kay St. John Vianney: ang pagkakaroon ng napakalaking pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.

          Kung ako ang nasa sitwasyon na pinagdaanan ni St. John Vianney, marahil ay sumuko na ako. Hindi ko kayang masali sa napakarming digmaan. nguni siya, hind talaga siya bumitaw sa kamay ng Diyos. Dahil sa pagmamahal niya sa Diyos ay di niya kayang ipagpalit ito. Sa buhay ni St. John Vianney rin natin makikita ang pangako ng Diyos na kung mananalig lang tayo sa kanya ng buong-buo ay hinding-hindi niya tayo iiwan. Pinrotektahan talaga ng Panginoon si St. John Vianney dahil sa pananalig at pagmamahal nito sa Kanya kahit na napakarami niyang pinagdaanang rebolusyon at digmaan.

          Bilang kongklusyon, naalala ko na dapat nating pagkatiwalaan ng buong-buo ang Diyos dahil may perpektong plano Siya sa ating buhay at di Niya tayo iwan. ang kailangan lang nating gawin ay gumawa ng paraan para magawa ng Panginoon ang Kanyang plano para sa atin. Gumawa tayo ng mabubuting paraan dahil di gagalaw ang Panginoon gamit ang mga masasamang bagay. dapat di natin siya bitawan. Hindi Siya bibitaw kung di tayo bibitaw.

Ni: MENDRICO, Randrew Christian P.

Tuesday, September 2, 2014

Wika: Kakambal ng Buhay


Bilang isang estudiyante at Pilipino na nabubuhay sa makabagong henerasyon ngayon napaka hirap na para sa akin na gamitin ang sa pang araw-araw na leguahe ang wikang pambansa ng bawat Pilipino. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ng tao na parang mas pinapa halagahan na ngayon ang lenguahe ng mga dayuhan sapagkat mas nagagamit ito sa pag unlad ng isang bansa.


Tuwing paparating na ang buwan ng Agusto nananabik ako sa Buwan ng Wika. Parang mas nadadarama ko ang aking pagka Pilipino kapag suot ko ang kasuotan ng mga dalagang pilipina noon. Masaya din akong nakikita ang mga kapwa ko kabataan na nagsasalita ng wikang pang bansa kahit nahihirapan sila habang naka suot pa ng barong tagalog sa mga lalake at Filipiniana naman para sa mga babae. Nakikita ko na hindi pala talagang lubos na nakalimotan ng mga kabataan na kagaya ko ang sariling wika dahil ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para makapag salita ng pambansang wika na naka suot man ng lumang kasuotan o wala. 

Ni: Sabud, Maria Rhodora C.

St. John Marie Vianny Repleksyon

Katulad ni St. John Marie Vianny lumaki ako na may takot sa Diyos. Mula pa noong may gatas pa ako sa labi ipinalaki ako ng aking mga magulang na magdasal araw at gabi. Tuwing linggo naman pumupunta kami sabay-sabay sa simbahan para magdasal.

Hindi madaling maging isang diboto o katulikosapagkat maraming mga pag subok ang dadating at dadating sa buhay. Ang mga pagsubok na dumadating sa sa buhay ko ay talagang tumatatak. Dahil sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko my mga panahon na kinuwestyon ko ang panginoon, hindi ko kasi maintindihan kong bakit ko pa kailangan maranasan ang sakit at hirap na tilang unti unti akong pinapatay. Hindi ko din maintindihan ang mga pangyayaring napakalupit at nagpapatong patong. May mga panahong din na nawalan ako ng pag-asa sa panginoon kaya dinaan kona lnag  ang problema ko sapagsisi ko sa sarili ko, at umiyak ng umiyak kaya naman mas lumala ang problema ko. Nagpasalamt nalang ako ng sinabi ko ang problema ko sa aking pamilya, tinulungan nila akong maimolamot ang mga mata ko at maibalik ko ang paniniwala ko sa Diyos. Pagkatapos noon mas naging mabuti na ang buahy ko, gumaan na ang aking pakiramdam dahil alam kong wala ako kung wala ang Diyos.   

NI: Sabud, Maria Rhodora C. 

K to 12



Nagugupluhan ako kong bakit maraming tao ang naka siamngot ng malaman nila na maimplementa na ang K to 12 curriculum. Ako, bilang mag-aaral ay nadismaya dahil hindi ako  naka abot sa K to 12. Alam ko kasing makakatulong ang K to 12 curriculum upang maging mas handa ako sa trabaho at sapag harap ng mundo.
Hindi naman lingid sa aking kaalaman na hanggang ngayon marami paring mga problema ang hindi nasusulba ng gubyerno gaya na lamang ng walang sapat na silid aralan sa mga paaralan lalong-lalo na sa pampublikong paaralan at ang memorandum ng CHED sa pagtanggal ng pagturo sa Filipino subject galing sa General Education Curriculum (GEC). Ang kakulangan ng mga silid ay nag udyok ng maraming tao kung bakit ayaw nilang maiplementa ang K to 12, nag-aalala kasi sila dahil maaaring maaapektohan ang pag-aaral ng mga estudiyante dahil sa wal ng maayos na silid. Marami namang guro sa Filipino ang nasaktan ng malaman nilang tatanggalin na ang Filipino subject sa koleheyo sapagkat bunga nito ang kawalan ng kanilang hanap-buahy. Ayon sa CHED memorandum (CMO) No. 20 series of 2013, ang Filipino subject ay hindi na kasali ngayong dadating na 2016 sa koleheyo, malilimitahan nalang ang subject sa mga Filipino majors. Ang dahilan ng CHED kong bakit itinanggal nila ang Filipino sa lebel ng koleheyo sapag sabing ang subject ng Filipino ay mapupunta na sa Grade 11 at 12 sa ilalim ng K to 12 curriculum. Maraming organisasyong nagsasabi na ang CHED memorandum ay nag violate sa Article XIV, section 6 sa 1987 constitution, na ang sabi “ The government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as a language of instruction in the educastional system.”
Bilang isang mag-aaral, naniniwala akong makakatulong ang K to 12 curriculum sapag handa ng mga mag-aaral sa pagharap nila sa mundo matapos ang pag-aaral sa koleheyo.Ang gustong mangyari ng K to 12 Curriculum ay magkaroon ang bawat mag-aaral na mas malawak ang kaalaman at abilidad. Una sa impormasyong medya, at estilo patungkol sateknolohiya, ayon kasi sa MCU the K to 12 dahil dito ang mga estudiyante ay matutunan ang, Multi cultural literacies; Global awareness, Visual and information literacies, Media literacies, basic scientific, at economic literacies. Pangalawa, mabisang estilo sa komunikasyon, matuturuan kasi ang mag-aaral sa 1.) teaming, collaboration at interpersonal skills; 2.) personal, social, and civic responsibility; 3.) Interactive communities; 4.) local, national and global orientedness. (MCU the K to 12). Pangatlo, estilo sapag buhay, nakakatulong kasi to sa mga mag-aaral na maging magkaroon ng flexibility and adaptibility, initiate and self direction, leadershiship and resposibility, productivity and accountability, social and cross cultural skills, and ethicalmoral spiritual values. (MCU the K to 12). Panghuli, estilo sapag-aral at innobasyon, 1.) creativity and curiosity; 2.) critical thinking, problem solving  skills and 3.) risk taking. (MCU the K to 12).

Sana naman hindi maging hadlang ang mga problema tungkol sa ibat ibang isyu ng K to 12 dahil, makakatulong ang bagong curriculum sa pag unlad ng Pilipinas. Hindi dapat matakot ang mga Pilipino sa mga pagbabago ng curriculum dahil, ito ang susi ng pintuan para mabuksan ito at makamit ang pangarap ng bawat Pilipinong mag-aaral.

NI: Sabud, Maria Rhodora C. 

Repleksyon sa Buhay ni St. John Vianney

Isa sa mga importanteng bagay sa akin ngayon blang tao at studyante ay ang aking grado sa kolehiyo. Sa katunayan, bata pa lamang ako, binibigyan ko na ng importansya ang aking pag-aaral. Pinipilit ko ang sarili kong maging katulad ng mga matatalino sa klase. Nag-aaral ako nang mabuti upang ma-perfect ko ang lahat ng ibato sa akin ng mga guro ko. Sa huli, napagod lamang ako at ngayon, kahit importante and pag-aaral, minsan tinatamad na ako. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko.

Matapos kong basahin ang buhay ni St. John Vianney, napaisip ako. Katulad ni St John Vianney, ako ay nahihirapan sa aking mga klase. Mahalaga sa kanya ang kanyang pag-aaral dahil gusto niyang maging isang apri. Kahit na siya ay nahirapan, ginawa niya pa rin ang lahat upang matupad ang kanyang pangarap. Sa kanya ko natutunan na kahit pa nahihirapan na ako, kailangan ko pa ring magtrabaho upang makamit ang aking pangarap. Hindi ko kailangan maging pinakamatalino sa isang klase na umaabot na sa puntong napapagod lamang ako. Ang kailangan ko ay pagganyak. Nalaman ko rin na hindi ko kailangan gayahin ang iba o subukang maging pinakamatalino dahil sa huli, ang dedikasyon mo ang importante. Tulad ni St. John Vianney na dedikadong nakikinig sa mga kumpesyon sa loob ng labingwalong oras, gusto ko rin magkaroon ng ganoong dedikasyon sa magiging trabaho ko. Naging patron siya ng mga parish priest dahil dito. Gusto ko ring maalala ako ng mundo dahil sa ginawa ko, di sa grado ko.

Sa huli, naisip kong dapat hindi ko masyadong pine-pressure ang sarili kong maging perperkto. Tayong lahat ay nagkakamali. Normal ito. Ang mahalada ay ginagawa o gagawin ko kung ano lang ang kaya ko upang maabot ang aking mga pangarap, at kung maabot ko man ito, dapat kong buhusan ng dedikasyon ang bawat oras na binibigay ko rito.

Buwan ng Wika

Ako ay mag-aaral sa iskwelahang pinapahalagahan ang Wika. sa katunayan, isang buong linggo ang inaalay para dito. Lagi kaming nagdiriwang. May mga kontest, palaro, at mga presentasyon. Pinapasuot pa nga kami ng mga Filipiniana at Barong Tagalog. Masaya akong manuod lamang sa mga pangyayari. Hindi ko kas lakas ang wikang Filipino. Nakakatuwa naman itong panuorin at pakinggan. Mayaman sa salita ang wika natin. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga oratoryo na gumagamit ng makukulay at malalalim na Filipino, hinihiling ko na sana kaya ko ring magsalita ng ganoon.

Marami akong mga bagong natututunan sa Buwan ng Wika. May mga bagong salita akong naidaragdag sa aking bukabularyo. May mga tula akong naririnig. Ngunit higit sa lahat, gasgas man pakinggan, natutunan kong mas mahalin pa ang ating wika. Sa Buwan ng Wika kasi, makikita mo ang ating pagka-Pilipino. Ang ating kultura, and ating wika--talagang mas mamahalin mo tuwing Buwan ng Wika.

Ni: SANCHEZ, Isabel Victoria B.

K12 Program

Noong 2004, isang programang tinawag na Bridge Progrm ang sinubukang ipatupad ng administrasyong Arroyo. Sinasabing magiging sagot ito sa kahirapan ng bansa. Hindi ito natuloy sapagkat marami ang kumontra laban dito. Ngayon, isa nanamang programa ang ipinasa ng administrasyong Aquino. Katulad ng Bridge Program, layunin nitong tapusin ang kahirapan sa Pilipinas. Tinawag itong K12 Program. Ang tanong: sagot nga ba ito sa problema ng Pilipinas?

Ang K12 Program ay ang pagdagdag ng dalawang taon sa lumang sampung taon laman na pag-aaral bago mag kolehiyo. Ngunit tulad ng Bridge Project, marami ang nagreklamo laban dito. Ito ay di tanggap ng masa, lalo na ng mahihirap na pamilya.

Isa sa mga rason kung bakit ayaw ng nakararami ang K12 Program ay dahil sa dagdag problema lamang ito sa mga pamilyang nahihirap na. And mga magulang ng mga batang mag-aaral at kahit ang mga estudyante mismo ay naghihikahos nang bigyan ng maganda at kumpletong edukasyon ang mga anak at sarili nila sa sampung taon pa lamang. Kung magdarag pa ng ilang taon, lalo lamang silang mahihirapan. Wala nang tuition fee na binabayaran sa mga pampublikong paaralan, ngunit marami pang ibang bayarin. Noong 2009, Php 2, 502 lamang ang nakalaan sa isang estudyante sa isang taon. Lumalabas na Php 6.85 lamang sa isang araw. Maraming mahihirap na magulang ang di kayang gumastos ng higit Php 30, 000 na kailangan para sa pagkain, pamasahe, at iba pang bayarin sa eskwelahan. Ito ay mapaptunayan ng mga mag-aaral na biglang humihinto sa pag-aaral. Sa katunayan, apat sa sampung estudyante ang nakakatapos ng mataas na paaralan sa mga pampublikong paaralan.

Ang mga datos ay nagpapatunay na hindi sagot sa kahirapan ang programang ito. Magdaragdag lamang ito ng kahirapan bunga ng pagbawas ng mga estudyanteng makakapag-aral. Mabuti pang hindi lang ito ituloy, katulad ng di pagtuloy sa Bridge Program.

Ni: SANCHEZ, Isabel Victoria B.